Home
normaine [entries|archive|friends|userinfo]
normaine

[ website | My Website ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

CALINAO CUP 2009: CONQUERED! [Mar. 9th, 2009|10:17 am]

CALINAO CUP 2009: CONQUERED!

thursday night, 5 March 2009, habang nagseset-up ng mini tents sa sunken garden, bigla akong huminto at tumingin sa kapatagan. and with a lot of emotions, sinabi ko sa venue, "we will conquer you".

para sa members ng UP VOLLEYBALL CLUB, guys we did it. tapos na sya and all i can say is successful sya. hehehe :)

isang malaking PASASALAMAT sa lahat ng nagbigay ng panahon, suporta, at kung ano ano pa para sa Calinao Cup 2009.

para sa aking OFFICERS, for handling your committees well.

para sa mga MEMBERS, kahit iba-iba na ang mga kulay ng mga braso natin kumpara sa torso. pati na rin sa apps, lalo na yung mga lechon.

para sa mga nangahas na MAG-OFFICIATE, kung wala kayo edi walang mag-oofficiate. duh.

para sa ALUMNI, for all your unending support and tila reunion pag dumadating isa-isa.

para sa mga nag-overnight sa sunken, kahit sa bato bato tayo natulog (or lack of tulog thereof).

para sa mga dumalaw upang magbigay ng pagkain and ng pera for that matter.

para sa mga "good influence" na dumalaw at nagdala ng gsm blue, chips, tinapay and isang masigabong field trip sa circle ng alas dos ng umaga; sabi ni pacheco, thank you daw.

para sa mga SSB, dahil kung wala kayo, malamang pinatay na kami ng mga durugista nung thursday night.

para sa mga sumama kumuha at magbalik ng mga ga-higanteng poles at kay bibigat na bato.

para sa mga naghanap ng teams kahit 50% sa mga nagconfirm ay hindi nagsipunta. ching lang.

para sa teams and participants at lalo na kay billy na bet na bet ng nakararami.

para sa patts, san man kayo naroroon, hindi man kayo sumali ay pasasalamatan ko pa rin kayo. for more lang.

para sa mga nag-aaral sa ilalim ng kainitan ng araw sa sunken.

para sa mga nagpaiyak sakin dahil tinense nyo ako ng bonggang bongga. shet kayo ha.

para sa mga nagsabing pupunta pero hindi naman. hmph. (charos lang)

para kay third (special mention), because kung wala ka ay magbabayad kami ng 900 pesos per hour para sa sunken.

para sa CMO at executive house, sa mga tolda-de-banquet na nakatulong ng greatly sa mga sponsors at teams.

para sa nagpahiram ng tents. ng coleman. ng sleeping bag. very camping lang.

para sa POCARI SWEAT, salamat at ang dami-dami ko nang ions sa katawan. at nang dahil sayo ay napalapit kami sa mga porenggers na nag-liliga sa tabi.

para sa mga dormers na hindi na-experience ang excitement and happiness ng pagtulog sa sunken garden. belat. arty nyo kasi eh.

para sa mga maaarting members na pantay pa ang kulay kasi hindi nababad sa araw. hmmmm alam nyo na.

ang dami na pala. hindi ko napansin. nag-heighten kasi emotions ko. siguro naman napasalamatan ko na dyan ang lahat.

hindi nyo lang alam kung gaano ko na-appreciate ang pagkakaroon ng kama pag-uwi ko. at ang lechon kawali sa pork barrel, na first full meal ko in 3 days.

buti nga hindi ako pinalayas ng mga magulang ko nung nakita nila ako at may plano pa pala akong umuwi. haha!

ayan mahaba na to. boring na. hahahaha! once again,

UPVC, CONGRATULATIONS!! :)

linkpost comment

LIVE AIDS SILVER [Dec. 1st, 2008|09:23 am]

LIVE AIDS 25.

hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito. hehe.

una sa lahat, salamat and a big healthy CONGRATULATIONS sa aking mga orgmates.  sa ever so fabulous SAMASKOMERS. saludo ako sa inyo. sabi ko na nga ba, habang ang dugo ko ay dumadaloy, babalik at babalik din ako sa mga katarantadahang tayo-tayo lang ang nakakaintindi.

WE CONQUERED THE UP THEATER!! hindi birong magpatawa sa ganun ka-un-intimate na lugar. pero nagawa natin. ACHIB. at nag-uumapaw pa ang mga taong manunuod. MORE ACHIB. wala nang iba pang makakagawa nito kundi tayo lang. ULTRA ACHIB!

sa mga heads ng production at creatives, na hindi na natutulog para sa show, congratulations. SUPER ACHIB KAYO.

para sa mga gumastos para makanood, MAHAL KO KAYO. kung wala kayong mga may pera, walang show. hahaha! sa mga nanood naman na hindi nagbayad at umasa sa complimentary tickets, SEMI MAHAL KO KAYO. keri na yun, pampadagdag pa rin naman kayo ng tatawa. hahahahahaha!

sa mga first time na manood ng LIVE AIDS, i congratulate you for being devirginized sa 25th installment. swerte nyo ang laking produksyon ang naabutan nyo. to think na halos pumatak sa 4 hours yung show. sana in the next live aidses to come, andyan pa rin kayo.

sa mga na-tense nung nagkaroon ng OBLATION RUN, wag kayong mag-alala. na-tense din kami. apat lang kasi yung mga dapat na tatakbo. pero nung sunday show, lima na sila. sino yung isa?! hmmmmmmmm..

ganun talaga pag sunday show. unpredictable na. since last show na, paramihan na ng moments. gaya ni propesora wally na lumabas na dragang jogger na naka-shades at naka-feather boa pa. at ni mamah geoff na isang napakalaking lantern sa gitna ng opening number.

at dahil nga sa unpredictability ng sunday show, sakto pa man ding nasira ang lapel ko diba?! at sa last show pa talaga!! okay lang, im over it. pero nanginig talaga ako onstage sa mixed emotions nung nangyari yun. sabi naman nila, nabawi naman daw. oh well, happy naman na ako ngayon. kebs na dun. hahaha!

para kay rodel na dancer ni deo, san ka man naroroon, ingat ka. hihihi!

sa mga nawalan ng cellphone, wallet, costume, make-up, pati puri during the show. hmmm, okay lang yan. materyal lang yang mga yan. mas masarap pa rin mapalakpakan ng mga hindi nyo kilala. hehehehe!

and finally, sa mga nag-enjoy sa sampaguita-islas-pansit sketch. hindi biro ang mga pasa ko sa tuhod pag tumatalon ako para kunin ang pansit ni madir. pati ang effort na lagyan ng foundation ang kili-kili ko para pantay ang kulay since naka-spaghetti strap lang ako. hahaha! it feels so good to perform and receive so much love from you guys. sa mga nagtext sakin to congratulate me (or us three, or four including gail), sa mga lumapit pa ng stage para yakapin ako and say they liked my performance, sa peyups posts ng anonymous people na pag nakilala ko kayo ay love ko na kayo.

lalo na kay rajo laurel na linapitan ako at sinabing, "you are so great. i like you." ang sabi ko naman, "thank you po. i like you rin po." hahahaha! buti nalang natawa sya. kung hindi baka nasampal ako nun. at malay natin, gawan nya ako ng sampaguita vendor inspired clothing. sosyal diba?!

haaaay live aids. pakshet ka. nakaka-adik ka.

ayoko nang habaan, baka ma-bore pa kayo. ayoko ng dead air. mortal sin yun sa show.

and pordat, hindi ko rin alam kung paano tatapusin ito. hehe. sa two words na nga lang na tinaguriang "mantra" ng org.

altogether now.

 

1..

 

2..

 

3..

 

GO SAMASKOM!!

link2 comments|post comment

NAHANAP KO NA ANG RARE POKEMON [Oct. 17th, 2008|03:40 am]

the rarest pokemon of them all indeed. one of a kind lang talaga sya.

isa po syang BAKLANG KONDUKTOR NG BUS. hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!

i thought i've known them all.
may baklang bakla,
baklang babae,
baklang nagpapakalalaki pero halata namang bakla,
baklang nagpapakalalaki pero mukha talagang lalaki,
baklang maton at ayaw mag-shave,
baklang parlor,
baklang seminarista,
baklang nasa US navy,
baklang mahinhin,
baklang balahura.

may bakla sa call center (actually marami),
baklang engineer,
baklang doktora,
baklang lawyer,
baklang scientist,
baklang artista (wow.),
baklang pulubi,
baklang janitor (meron sa shang),
baklang walang trabaho,
baklang rumaraket lang.

pero recently ko lang nakasalubong ang baklang konduktor ng bus.

kung ayaw nyo maniwala sakin, eto ang mga pruweba. pagpasensyahan nyo na, hindi naman SLR ang camera phone ko. at hindi ko naman sya pinag-pose para makunan ng litrato, lahat yan ay stolen, with the bus moving and everything.


 

ang corduroy flared pants

(take note, ang pagkakatayo)

 

 

 

 

 

ang top nya

(take note, ang pagkakatali)

 

 

 

 

 

ang shoes

(leopard print chuck taylors)

 

 

 

 

 

ang pagkakatayo sa isang fast-moving bus

 

 

 

 

nung pagsakay ko ng bus, akala ko mino-mock nya lang ako nung sabi nyang, "ate, san po tayo?" in a gay tone. madalas kasi akong ganyanin ng mga tao, so kinebs ko lang sya.

maya maya, na-feel ko na medyo consistent sya sa kanyang gay (nasal) tone. pati yung pagtawag ng "crossing ilalim", "cubao ilalim", atsaka "SM fairview", ganun pa rin, baklang bakla pa rin.

at yun na. saka ko lang sya tinignan ng seryosohan at napangiti nalang ako.

nahanap ko na sya. ang rare pokemon.

hahahahahahaha!! eto pa, nang may pumasok na lalaking hindi naman kapus-palad sa itsura, sinundan talaga nya ng tingin. nakakaloka! hahaha!!

pero to top it all of, nangangarir pa ang mare mo! haha! yung mga guys kasi na nakaupo sa harap ko, parang out of school youth na papunta lang somewhere. aba chinika ba naman! mga tipong, "san kayo pupunta?". to the point na tanungin pa nya ng, "smart ka o globe?". wahahahahahahahahaha! may balak pang pa-load-an ni bakla yung mga pasahero!! hahahaha!!

buti nalang na-contain ko ang happiness ko. haha dahil kung wala ako sa katinuan nung araw na yun, baka pumara na ako at bumaba somewhere dahil maloloka ako ng tunay.

ms.bohn and ms.mitch, wherever you are, gotta find them all. huntingin natin ulit si mare at ikulong na natin sa poke-ball.

linkpost comment

dahil inggitera ako sa mga VC people [Oct. 16th, 2008|02:09 am]

AKALA MO JEJ IKAW LANG MARUNONG MAGBIGAY NG HUSTISYA SA PICTURE HA.

 

ayan. tapatan mo ngayon si wa-che-lei. with blurred effect para mukhang mas authentic. hahahahahahahaha!!

linkpost comment

PLONING bids for the OSCARS [Sep. 24th, 2008|10:58 pm]
Dear PLONING friends and supporters,

As part of our Oscar bid for Best Foreign Language Film... Please visit our IMDB account / site at :

http://www.imdb.com/title/tt1200074/

Your VOTES will help increase awareness and ratings on the film as IMDB (the Internet Movie Database) is a commonly used tool in the US and the world over for information and feedback regarding films.

As little Digo would always say, "Amblig"! (That's "Take care" in Cuyonon!)

All the best,

PANORAMANILA PICTURES CO.
Manila, Philippines
www.ploningthemovie.com

(Paki repost naman po sa mga site niyo... Maraming salamat!)


-reposted from cousin Jenny Lou :)

linkpost comment

LIVE A.I.D.S. 24: Round the Clock ang Halakhak [Jul. 27th, 2008|11:34 pm]
UP SAMASKOM proudly presents:

LIVE A.I.D.S. 24: Round the Clock ang Halakhak

September 12, 2008
3:00 PM and 7:00 PM
Dalisay Aldaba Hall
UP Diliman, Quezon City

linkpost comment

"bakit mo ba ako kinakausap?!" [Jul. 12th, 2008|04:06 am]

iba talaga ang nagagawa ng walang tulog.

define bangenge. sabi nga nila, eto yung wala ka sa tamang pag-iisip. hehe! as in yung kung anu-ano lang ang sinasabi mo sa random people because of stress or deprezion.

ok eto na yung kwento ko na light light lang naman.

kanina na inattempt kong umuwi ay dumaan ako ng trinoma upang makapunta sa north ave station ng mrt. it's around 2pm na. at wala pa talaga akong matinong tulog. kung baga idlip idlip lang magmula pa nung kinagabihan.

eto pala ang suot ko noh. may malaking role kasi ito. normal na pantalon, normal na tshirt, yung camping bag ko na malaki na black, at cap. at eto pa, walang muk-ap at all. kasi uuwi naman na ako. nagfrespowder nalang ako.

ok so ako naman si haggard, naglalakad ng mabilis so i can go home na agad at makatulog na rin sa wakas. nakasalubong ko pa ang isang college classmate tapos binati nya akong "mukha kang lalaki ngayon ah!". sabi ko naman, "tseh!"

then i decided to stop by a restroom. e bakit ba? naihi ako e. atsaka para matignan ko naman sana sa salamin ang itsura ko for quite some time noh.

napansin ko na yung katabi ko, nakatingin sakin. naghuhugas ako ng kamay, sya nag-aayos ayos lang ganun. and he was smiling at me.

ako kebs, wala akong tulog at excited nako umuwi. so lumabas nako ng restroom.

nang biglang may nag-excuse me sakin from behind. andun sya. the typical person na mukha namang normal na tao na naka-polo shirt na stripes ganun. pero hindi ko bet. hehehe

tapos ganito sya magsalita, and i quote, "umm.. i.. umm.. do you.. umm.. do you know where to go to Bench?"

napansin siguro nya na Bench yung tatak ng cap ko. sabi ko nalang, "have you tried the information booth?" kasi hindi ko rin sure kung pano basahin yung "Concierge". wahahahahaha!! kaya information booth nalang para safe.

tapos naglakad uli ako patungo sa mrt. sinundan pa rin ako ng hitad! kinalabit ulit ako sabi nya, "excuse me.. umm.. i like your bag.. it's nice.. umm.. umm.. where'd you buy that?"

naloloka nako kasi ang baaaaaaagal nya magsalita. e nagmamadali kaya akong magpahinga! to keep the conversation short, sabi ko, "sa Bench." sabay smile, tapos lakad ulit. e hindi naman sa Bench yun nabili. hehehe.

and of course, the third time is indeed a charm. haha! kung baga sa pagsulat nga ng komedya; line-line-punch. hahaha! tapos na yung dalawang line, eto na yung punch.

nakapila nako sa mrt. linagay ko na yung earphones ko for more mp3 and to keep me awake throughout the trip.

ayun sya, kinalabit nanaman ako. sabi, "umm.. where are.. umm.. where are you stopping?"

napa-"huh" talaga ako sa kanya. hindi ko kasi naintindihan. nakakaloka sya!!

for some reason lumukso na talaga yung dugo ko and i really don't want him around anymore kaya i told him (in a polite manner hehe)..

"bakit mo ba ako kinakausap?". tapos parang na-shock sya. dinugtungan ko, "pwede namang magtagalog. nahihirapan ako sa english mo".

sorry kung offensive ha. pero yun talaga yung sinabi ko. i'm trying to be very transparent here. hehehehe! pero gets? diba dinirect ko na nga sya sa information booth, at least dun may kakausap talaga sa kanya na may sapat na tulog. and i clearly did not show any signs of kagustuhan sa kanya. baka desperada si bakla. hindi siguro nya nakita na mas manipis pa ang kilay ko sa kanya.

yun, after that nawala na sya. and i lived happily ever after.

link1 comment|post comment

SEYKS and da SEYTI [May. 31st, 2008|01:32 am]

i was never really a Sex and the City fan. i have never watched a single episode for crying out loud! hahaha!!

pero syempre go with the flow naman daw ako. watch ako dahil watch rin ang friendivas ko. ayoko namang ma-lost sa usapan ng sangkabaklaan.

and who'd i rather be with to watch this movie about love, friendship, outfits, and one-liner statements? with my friends of course.

twenty years silang friends sa movie, kaming magkakaibigan, we're getting there. haha! 20 years old palang naman daw kasi ako. hindi pa ko kasing tander nila samantha. haha!

and it's just way too freaky to have found ourselves in each of the characters in the movie. ema for carrie bilang bida doria. gianna for charlotte for his infamous "NO" cry. henna for samantha, obviously. ninya for miranda bilang corporate woman. mika for busy jennifer. (sorry mika, hindi naman physical yung comparison e.) ako bilang wala sa mga bida kasi hindi nga naman daw ako nanonood ng series na yun. hahaha!

 

the plot is not all glitz and glamour though. dun talaga na-test ang "true bonds of friendship".

--on how you deal and help each other out in certain heart-breaking situations.

--on how you choose what's best for your girl. whether in terms of fashion, jowa or what have you.

--on how you comply to the "no secrets" rule of friendship.

--on how you go through practically the busiest day of your life and still find time to call or meet your friends.

--on how all of you are there for each other no matter what.

haay. i so love my gurls.

 

and yeah, there is "LOVE".

i would just like to quote mother vingaye:

"akala ko nakaligtas na ako sa kadramahan dahil hindi Caregiver ang pinanood namin.

but no kumarz. ang bigat bigat.

masaya pero sobrang dami ng kurot.isama pa ang sampal at batok."

 

may point actually.

and to tell you the truth, the movie is neither about SEX nor is it about the CITY. it's about LOVE and FORGIVENESS.

shet. forgiveness daw.

tamaan na sana yung mga hindi pa magawang mapatawad dyan yung mga taong nagkaroon sila ng misunderstandings and everything.

sapul.

linkpost comment

300 spartans [May. 26th, 2008|02:43 am]

i never really liked bloody movies. keri keri ko na yung mga scary, pero wit talaga yung mga may patayan.

take "Troy" for example. nakapikit pa ko habang nagpapatayan sila. or "Street Kings". basta nafifeel ko na maglalabas na sila ng mga baril, nagtatakip na ko ng mata. sabi nga ng kapatid ko, bakit pa raw ako nanood e nakapikit din naman daw ako sa "good" parts ng movie. e bakit ba? i never liked blood. yung dugo ko nga, ikinaloloka ko na, yung sa iba pa kaya?

pero dhay. dhay inday. iba ang 300.

i was very doubtful at first. kasi nga patayan nanaman sya. and i've heard na patayan talaga sya from start to finish. so sabi ko talaga, WIT. major WIT!!

but no, after hearing rave reviews from my high school bakler friends, for some reason na-persuade nila ako na manood. hahaha!! unang-una ay dahil sa mga katawan daw ng mga spartans. hahahaha!! oo na, mababaw na. e bakit ba?

isang buong linggo kong ininggit ang mga kapatid at mga pinsan ko dahil napanood ko na sa sine yung 300. sila hindi pa. hahaha!

then the time came na ipinalabas sya sa HBO. aba syempre happing happy ang mga kapatid ko because they can watch it for free. and they've been waiting for this because they have been quenching their thirst with petty spoofs of the movie in youtube. yung benjo tonton pitbull something? it was a big hit with my cousins. mas mababaw yata ang kaligayahan nila kesa sakin. hehehe!

hindi ako pumikit or kumurap man lang. haha! ang ganda ng editing and cinematography!! bonggang bongga!!

haggard nga lang nung pinugutan na ng ulo si Astinos. hehe. yung parang teenager na anak nung captain yata yun. sayang. dun ako na-sad. pero nung pinugutan naman ng ulo yung mga kalaban, parang wala lang sakin. hahaha!!

 

yung favorite scene ko yung naglalakad yung spartans tapos slow mo tapos tinetegi nila yung mga nakakasalubong nilang persians. haha! palakpak talaga!!

 

<----eto yun.

 

pero pag nasasaktan ang mga spartans, nasasaktan din ako. ang hirap kayang ma-achieve yung ganung klaseng katawan noh!! i know a lot of people na ilang taon nang nag-gy-gym e mas mataba pa rin sakin. haha!!

and finally, in fairness to Xerxes ha!! siya ang patunay na ang mga bading ay makapangyarihan noon pa man!! wahahahahaha!! talo pa nya ako sa kilay at sa liquid eyeliner. at sa dami ng alahas. haha!! dragang draga tapos ang lalim ng boses. hahaha!! yuck nasiraan na yata ako ng bait dahil kay xerxes.

 

linkpost comment

nanalo si COOK [May. 22nd, 2008|12:33 am]

nanalo si David Cook.

E ANO NAMAN?!

kras ko pa rin si David Archuleta.

 

wahahaha!! it turned out to be the only idol finale na hindi ko alam kung sino ang dapat gustuhin. lagi kasi akong biased to one of the finalsts (e.g Blake Lewis over Jordin.). to the point na nakikipag-away ako sa pinsan ko at kay mama.

i have rooted for Archuleta since auditions. basically kasi cute sya. hehe! and he has this very smooth husky voice na talaga nga namang "soothing" kung tatawagin. hahaha!!

but hey, Cook would win American Idol hands down because of his pure talent. sya lang naman ang nakagawa ng paraan na mapabongga ang "Always Be My Baby" and "Billie Jean" na pinaglumaan na ng panahon.

nakakatense lang dahil malaki ang fanbase ni Archuleta bilang ang daming kabataang babae na nababaliw sa kanya. and can i say isa na ko dun?! wahahahaha!!

based on the finale last night, Archuleta clearly made a good impression. pero i believe America did get this right to vote for Cook and make him the winner of Season 7. Archuleta is not that flexible. and it takes more than just good looks to succeed. pero para sakin, keri na ang good looks. hahahaha!! e ano ba naman kung skin deep lang ako mag-judge?! hahahaha!!

in fairness to Paula ha. maganda yung gown nya. at muntik nang manalo as American Idol yung mga suso nya. pero sira ulo na si bakla. naka-Ecstacy nanaman yata. hindi na natigil sa upuan nya.

linkpost comment

PARA SA LAHAT NG UP CENTENNIAL GRADUATES [Apr. 28th, 2008|10:45 am]

I WISH YOU ALL THE BEST.

as in all in all the best talaga. daig nyo pa ang kinasal.

plano ko kasi talagang manood ng university graduation kasi nga centennial celebration. E WALA NAMANG NAGPAALALA SAKIN NA KAHAPON PALA YUN. hahaha!!

nawa'y galingan nyo sa real world. para pag ako naman ang gumraduate, kayo na mag-interview sakin for the job.

at pag ako gumraduate, sana lahat kayo magpunta. hahaha!! or pag ako gumraduate, sana buhay pa kayo. hahaha!! sana lang wag akong abutin ng bicentennial celebration.

linkpost comment

namimiss ko ang LANDLINE [Apr. 20th, 2008|05:51 am]

ngayon lang nag-sink in sa akin ito. ang slow ko naman daw.

kanina pa kasi may tawag ng tawag sa landline para sa mga kapatid ko. tapos nagpunta ako sa pinsan ko at may tumatawag parin sa landline nila upang makipagchikahan or magkamustahan man lang.

pero sakin wala.

oo nga noh. 4 years na yata akong hindi tumelebabad. pero nung elementary ako, ako lang yata gumagamit ng landline namin. kulang nalang sakin pabayarin yung telephone bill kasi ako lang naman talaga ang maghapo't magdamag na may hawak nito.

well, ganun talaga. yung mga kaibigan ko sa college ay nakatira sa kung saan-saang prabins. i'm sure they have their own landlines in their own homes. pero useless kung ang purpose ay para makipagbalitaktakan.

ayun lang. realization lang. nainggit ako bigla.

kagabi yung kapatid ko nakikipagbulungan pa sa liniligawan nya sa landline. hahaha! parang ewan. eto namang pinsan ko, ang lakas ng boses. parang walang ibang tao sa bahay.

at ang baklang api-apihan, makuntento nalang daw sa text unlimited.

linkpost comment

ang nagagawa ng alak [Apr. 19th, 2008|06:37 am]

ang tunay na nagagawa ng alak ay irreversible ika nga.

mawawala ka sa katinuan. nambongga.

wala kang poise. nambonggangbongga.

ang lakas ng boses mo dahil malakas din ang boses nung nasa kabilang lamesa. nambonggamvilla.

at higit sa lahat,

may babaeng lumapit sakin. take note, babae. tapos perky sya ganyan. e ako naman, caught off guard. edi pumerky naman ako para ma-levelan yung energy nya.

she said "hi" tapos super ngiti sya. ako naman, mega beso pa sabay "hi". wahahahaha!

tapos naglabas ng phone. sabi nya, "what's your number?". ako naman super give. tapos sabi pa nya, "what's your name again?". super give ulit ang lola nyo.

tapos yun. sinamahan ko na si aya sa banyo.

habang naghihintay sa lasing na nagbabawas, nasa labas ako at biglang napa-isip.

"sino sya?!"

come to think of it, hindi ko talaga matandaan kung sino sya. wahahahahahaha!! nakakaloka.

hinihintay ko nalang na itext nya ako. saka ko na tatanungin kung sino sya sa past life ko.

linkpost comment

American Idol 7 Finale: BATTLE OF THE DAVIDS [Apr. 16th, 2008|09:53 am]

i have this very very funny familiar feeling that the two "Davids" of the contest will be competing against each other in the finale.

i meant to do this blog entry a week ago pa yata (diba ehm?). nakakapressure kasi sila. and both Davids haven't had a taste of the dreaded bottom three as of the moment.

which reminds me, kawawa naman si Ramiele at si Michael Johns na first time masama sa bottom three tapos naligwak agad. much like Constantine Maroulis of season 4. waaaaaaaah.. talagang nagalit ako nun at nag-internet agad to find out that there is already an online petition for the immediate re-entry of Constantine back to the competition. shempre hindi ako nag-sign kasi hello competition nga eh, alangan namang ibalik pa diba? where is justice kung ganun?! hahaha!

anyway, back to the topic.

when i first heard (or 'seen' for that matter) David Archuleta, i knew instantly that i am in lurve. haha! soulmate ko sya e. hahaha! at pareho kaming maliit. hihi. or i-quote ko na lang mama ko, sabi nya kasi: "malinggit". tapos natawa lang ako. for that yun nalang ang gagamitin ko.

on the other hand, i never thought David Cook will do so well sa competition. nung una nga ayaw ko sya mapasama sa top 12. kasi may David Archuleta na tapos may Kristy Lee Cook pa. kung baga may kapangalan na sya at may ka-apelyido pa. sya yung source of all confusion. wahahaha! ang lalim no?!

inaamin kong biased ako kay Archuleta. kasi nga kras ko sya. hihi! at umaasa akong kras nya ako. bwahahahahaha!! ang parpetch. e bakit ba, lahat naman ng tao may favoritism e. that's one trait na tinuturo ng American Idol; to have your own favorite contestant, root for him/her, and vote for her until he/she wins the contest.

David Cook was just one of those rockers, or so i thought. kasi nagdaan na si Constantine, si Bo Bice, si Chris Daughtry. tapos dadagdag pa sya. hehe! initially, i didn't think he would do really really well.

oo inaamin ko (ulit) na na-inlove (ulit?!) ako sa Billie Jean. yun talaga yung turning point. he took a risk by turning a very old-fashioned song and made it his own. ginawa nyang rocky effect. or rocky road. ang ganda. na-appreciate ko, sobra. hehehe!

and after this night's performances, both Davids gave the top 2 most outstanding performances again. or para sakin lang yun. haha! they have this innate talent to make a song original and figuratively "own it".

fabulous lang ng "Always be my baby" ni David Cook. at itataga ko sa bato, i will always be his baby. wahahaha! cheetah.

haaaay.. of course i may be wrong. may chance na hindi nga silang dalawa ang mag-final 2. premonition ko lang naman ito at sino ba naman ako, isang hamak na taga-subaybay lang. hindi naman ako bumuboto or something. kaya bahala na ang amerika. hehe..

and may sumpa kasi ang top 4 slot. such casualties include Tamyra Gray, LaToya London and Chris Daughtry. hanggang top 4 lang sila. e bonggang bongga sila throughout their own season. tapos yun, boom, biglang na-lost. sana hindi maganap yun this season. sana lang naman ano.

among the other contestants, i like Syesha Mercado. ang galing galing kaya nya. ewan ko ba kung bakit ayaw sa kanya ng america. hahaha!! palibhasa pareho kami ng taste with regards to song choice kaya siguro nagugustuhan ko sya. si Jason Castro naman, cute. hehe. perfect eyes, perfect facial features. sakang nga lang. si Carly Smithson, ayun, grepa. powerful voice pero pag mataas na, parang hindi na buo. at itong si Kristy Lee Cook, na nagpatupad ng mga salitang: "ganda lang ang puhunan." tseh sya. natanggal si Ramiele at si Michael Johns pero dapat sya yung natanggal!! hehehe.. yuck ang asim. para syang si Scott Savol, hindi matanggal tanggal! pero in fairness kay Kristy Lee mas magander at mas magaling naman sya kesa dun noh.

ayun, come on let's watch more American Idol. hahaha! let's support porenggers. hahaha! chos lang.

linkpost comment

may ginawa nanaman akong tama. wahahahaha! [Apr. 14th, 2008|11:30 pm]

for people who know me, judging by the title and the level nang pagkakakilala nila sa akin, i guess by now alam na nila siguro na sarcastic ang title. wahahaha!!

natatawa ako now na. as in now na. while im composing this blog entry.

kahapon kasi, may nagtext sakin na kailangan nila ng models for an event sa Eastwood.

e ako naman, binigay ko yung numbers ng mga taong alam kong may potential mag-model or may experience na, or ninanais magmodel. or whatever.

while i was finishing my text message, may naisip akong very very bright idea!

sinama ko yung numbers ng mga taong naisip ko lang lokohin. wahahaha! yung mga alam kong walang pakialam or kagustuhan sa modeling. wahahahaha!!

ayan. and as expected, yung mga taong ito ang mga nagtext sakin agad. diba justin, diba tierry?! wahahahahahaha!! tulog pa yata si pearl. hintayin ko lang text nya. wahahaha!!

sorry na kung na-tense kayo dahil may nagtext sa inyo about modeling. ok lang yun. paminsan minsan dapat mawindang din kayo.

pero mali e! baligtad yung names ng mga tinext. hindi ko na problema yun. basta alam ko tama yung sinend ko. sayang. mas malakas siguro ang impact pag tama yung pangalan ng nareceive nila. hehe. mas happy siguro ako ngayon.

pero jc and kim, may mga sinend naman akong numbers sa inyo na totoong models ha. nagsama lang ako ng iba. hehe! sabi ko naman kim mag-unlimited ka kasi puro globe yung sinend ko sayo. sana ginawa mo talaga. para hindi nasayang load mo.

buti nga hindi ko sinend lahat ng mga gusto kong maloka. only a chosen few lang. hehehehe! dibale, there's always a next time! hihihi..

sa mga would-be models, wag kayong mag-alala, panonoorin ko kayo! nambonggangbongga. im so so proud of you as early as now! hahaha!

linkpost comment

ang kanin na tutong [Apr. 9th, 2008|04:49 am]

marunong naman ako magsaing. pero bakit ganun? parang hindi yata ako marunong mag-init ng kanin. hahaha!!

may tira kasing kanin from last night. e ang dami nun. e bilang tinatamad akong magsaing ng bagong batch, i decided na initin nalang yung kanin.

edi yun, more init. linagyan ko ng hot water from the thermos. tapos ininit ko sya.

saglit lang naman ako nawala. nagtext lang ako. tapos lumabas ng bahay sandali para chumika sa mga tao sa labas.

 

waaaah pagpasok ko amoy tutong na yung kusina!! hahaha!

tapos yun. pagtingin ko sa kaldero, kulay yellow na yung kanin. nakakaloka. ganun ka-exxage yung pagkatutong nya. pati yung kanin sa ibabaw, nahawaan!


ayan syempre pinicturan ko pa for more pruweba. or for more mapagtawanan nyo talaga sya.

tapos nakita ng kapatid ko. tinanong ako kung bakit daw ako nagpapauso ng bagong saing na kanin na linagyan ko ng margarine! ahahaha.. ang witty nya noh?!

 

buti nalang hindi ako pinagalitan ni father dear. hehehe. or else papabilhin nya ako ng kanin sa karinderya!! kaloka.

linkpost comment

WI FI sa bahay [Apr. 7th, 2008|05:55 am]

hay! ang saya lang na may Wi Fi sa bahay.

buti nalang hindi linagyan ng password ng kung sinumang kapitbahay namin ang Wi Fi nila. hahahahahaha!!

nakita ko kasi, "Wireless Network Available". tapos tinry ko. tapos cummonect! nagkaron ng small blue globe sa ilalim ng mga picture ng PC. connected nako sa internet!! TARAAAAAY!!

 

o sya yun lang. mamayang gabi ulit after dinner. lulubusin ko na to bago pa man ako ma-detect ng may-ari. hahahaha!

linkpost comment

masaya ako ngunit.. [Apr. 4th, 2008|01:56 am]

masaya ako sa umaga. pag bagong gising ganyan. i wake up at around 11 am. just in time para magsaing ng kanin para may kakainin kami ng mga kapatid ko.

masaya ako sa tanghali. nakikipag away ako para sa play station 2 dahil gusto kong maglaro ng "the sims 2" at gusto kong mag-mix-and-match ng mga damit ng mga sims.

masaya ako sa hapon. every tuesday, nag-wo-wall climb kami dito sa may amin. (para lumaki akong kasapi ng akyat bahay gang). pag hindi tuesday, minsan i go to the mall kasi todo init sa bahay.

masaya ako sa gabi. kasi gabi na. hindi na masyadong mainit. and we often have this "UNO card tournament" with my cousins.

 

masaya ako ngunit..

 

parang may kulang.

 

 

just before i close my eyes and finally go to slumberland (got that from a pasosyal friend), ay may hinahanap ako.

parang may nami-miss ako.

 

gusto ko syang itext..

 

 

 

pero hindi ko ginagawa.

 

and so the routine goes on and on..

linkpost comment

kuya, ano yung "REGLA"? [Mar. 22nd, 2008|02:44 am]

it was a very very fine day.. hahahaha!!

ako'y normal na nagtetext sa aming bahay nang bigla akong tinawag ng aking nakababatang pinsan.

7 years old pa lamang sya at batang bata pa. walang alam kundi maglaro ng patintero, bahay-bahayan, platu-platuhan, rape-rape-an (charos).

tapos bigla akong nakarinig ng: "kuya!! come here!!"

edi ako naman si kuya (?), dali-daling lumapit sa aking pinsan dahil hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya.

i saw him, nakatitig sa dog namin. tapos nakakunot pa yung noo. ang cute!

tapos sabi nya, "kuya, come here. dali!"

"anong meron?", i said.

"kuya, may blood sa butt nya (pointing at the dog), look o!"

edi ako being the know-it-all kuya, "ah okay lang yan, regla lang yan".

tapos pagtingin ko sa kanya, mas lalong kumunot yung noo nya. sabay tanong, "kuya, ano yung REGLA?"

wahahahahahahahahahaha!!

tapos nabigla ako. naisip ko baka nabahiran ko ng dungis ang murang utak ng pinsan ko. shempre ang sinabi ko nalang para ma-defend yung sarili ko, "ah yung parang PAN-DE-REGLA, pinsan ng PAN-DE-COCO."

wahahahahahahahhahahahahahahha!!  ewan ko ba. bakit ang tanga tanga ko mag-explain. next time pag nagtanong sila sakin, hindi nalang ako sasagot.

i ran to my ninang na nasa kabilang bahay, at kinwento ko ang pangyayari na naganap sakin at sa anak nya. at isa lang ang nasabi nya sakin.

"GAGA."

o diba? na-gaga pa tuloy ako.

pero until now, i honestly can't stop laughing. and i can't help but blame the dog.

linkpost comment

AUCTIONISTA MODEL [Mar. 17th, 2008|07:43 am]

please vote for my friend, Jefferson Cabral, to be the next AUCTIONISTA model.

you can vote for him online by going to auction.ph. on the lower left corner, click "be the next auctionista!"

ayun. vote for him please.

thank yow!

 

 

 

o ayan jepot ha. nawa'y pagpalain ka ng maraming maraming votes.

linkpost comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]

Advertisement